Ito na ang Huli

27 0 0
                                    

Naaalala ko noon ang mga kaganapan,
Nung ika'y nasa akin at nakatayo sa'king harapan,
Mga masasayang alaala nung ikaw ay kapiling,
Galak ang nadama at wala ng ibang hiling.

Hawak mo ang kamay ko ng mahigpit,
Tamis ng halik mo habang nakapikit,
Mga yakap mo sakin na pinipilit,
Pag-ibig na nadarama ko ay mainit.

Mga panaginip na gustong matupad,
Mga pangako na laging hinahangad,
Matatamis na salita na iyong binitawan,
Mga pangarap natin na hindi ipagpapaliban.

Sa huling pagkakataon yayakapin muli kita,
Sa huling pagkakataon tititigan ang iyong mga mata,
Sa huling pagkakataon sasabihin ko na mahal kita,
At ito na ang huling pagkakataon na ang mata ko ay luluha.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon