Madaming natutunan sa nakaraan,
Di na muling uulitin pa sa kasalukuyan,
Hindi na muling pipiliin ang kalungkutan,
Pilit tatahakin, aabutin ang kaligayahan.Tapos na sa laging pagpayag,
Nararamdaman lagi ng ihahayag,
Di na muling itatago ang nasa isip,
Puso'y pagod na, ayaw ng sumikip.Magiging masaya sa pagkakataon na ito,
Iisipin ang sarili, madaming pagbabago,
Hindi na muling ipipilit ang sarili,
Kung gusto talaga, ito'y mananatili.Madaming natutunan sa nakaraan,
Hindi na uulitin, tuluyan ng tatalikuran,
Hindi na muling magsasayang ng panahon,
Magiging tama na sa pag-gawa ng desisyon.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesíaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...