Pigilan ang Nadarama

25 0 0
                                    

"Patawad sa lahat", yan ang sabi mo,
Alam ko naman ang mga pinagdadaanan mo,
Yun nga lang pinili mong lumaban mag isa,
Kahit alam mo na nandito ako para sumuporta.

Sabi mo pa, "Alam ko nasasaktan ka",
Wag ka mag alala dahil puso ko'y sanay na,
Nagmanhid na, lumamig, at nagbago,
Di na tulad ng dati na nagpapakatanga sa'yo.

"Hindi ko na kelangan pa ulitin lahat", banggit mo.
Oo alam ko, kaya nga lahat iniintindi ko,
Kahit alam kong talong talo na ko sa larong ito,
Pilit pa din sumusugal sa pagmamahal mo.

"Alam ko galit ka sakin", pagtatapos mo.
Wala ng galit, wala ng inis na nadarama sa'yo,
Para saan pa? Alam kong wala ng patutunguhan,
Tatahimik na lang at pipigilan ang nararamdaman.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon