Ayoko Na

125 0 0
                                    

Ayokong makadama ng galit,
Ayokong maramdaman ang pait,
Hindi mo ba kayang magpakatotoo?
Kelangan ba laging may tinatago?

Gusto kong sumigaw na ayoko na,
Gusto kong isigaw na tama na,
Masyado mo ng sinasaktan,
Mga kamalian mo wag mo ng pagtakpan.

Alam ko wala akong karapatan,
Alam ko naman hindi ko siya kayang tapatan,
Pero wag mo naman masyadong ipamuka
Na hinahanap mo ko kapag siya ay wala,

Kakawala na ko sa'king nadarama,
Kakawala na ko sa pagiging tanga,
Ayoko na magmahal ng ako lang mag isa
Pakakawalan na ang galit, ayoko na.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon