Bawat sandali, lagi kang nasa isip
Kahit ang nadarama sa puso ay naninikip
Laging ikaw, pangalan mo ang bukang bibig
Ganito yata ang pakiramdam ng umiibigSa iyong mga haplos laging nananabik
Bawat oras gusto laging matikman ang iyong mga halik
Mga yakap mo sa akin na sobrang higpit
Hinahanap hanap at sana'y sakin lang kumapitWag kang mag alala dahil sayo ako ng buo
Ating ituloy ang mga plano na noo'y binuo
Mahal kita, mahal mo ako pero ano nga ba tayo?
Sana isang araw lahat ng panaginip ay magkatotooWalang maipapangako kundi ang mahalin ka
Walang maibibigay kundi ang konting pag asa
Walang dapat ikatakot dahil pag-ibig ko ay totoo
Hanggang sa paghinto ng oras, ikaw lang at ako.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesíaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...