Muli kang bumalik sa'king buhay,
Mga bagong pangako sana'y maging tunay,
Muli kang tinanggap, kinalimutan ang mga saklap,
Pakiramdam ko ay sumaya parang nasa alapaap.Nagbingi bingihan sa sabi ng iba,
Nagbulag bulagan sa mga nakita,
Isip ay isinara sa mga dating pagkakamali,
Puso'y binuksan dahil ikaw ang natatangi.Natatakot na muling mawala ka sakin,
Pero bakit muli mo nanaman sinasaktan aking damdamin?
Akala ko ba'y nangako ng panibagong simula,
Bakit pakiramdam ko unti unti ka nanaman nawawala?Heto nanaman muling lumuluha,
Nakaraan ay nauulit, pagmamahal mo'y kumakawala,
Pag-ibig mo ba talaga sakin ay totoo?
Saglit na ligaya lang ba, nasaan ang pagbabago?

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...