Hindi ko alam kung anong madarama,
Bakit parang pag-ibig biglang nawala
Dahil ba sa sakit na naranasan noon,
O sadyang nagmanhid ang puso sa masakit na kahapon?Hindi na tulad ng dati na nagpapakatanga,
Hahayaan na lang lahat para di na mag alala
Siguro nga hindi na ganun kalakas ang nadarama,
Lumipas na din ang init para sayo sinta.Tanggap ko naman na di ka buong akin,
Kaya nababawasan unti unti ang pagtingin
Puso'y hindi ka na din hinahanap hanap,
Namulat na ang mata, di na kelangan magpanggap.Magsisimula na ko ulit sa umpisa,
Yung wala ka sa buhay at ako lang mag-isa
Kahit sabihin mo sa akin na mahal mo ko sinta,
Di na tulad ng dati, hindi na yun ang aking nadarama.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...