Nakahiga sa ilalim ng kalangitan,
Nakatingin sa mga bituin at buwan,
Unti unting lumalalim ang gabi,
Hinihiling na sana'y nandito ka sa aking tabi.Noo'y hinawakan ang iyong kamay,
Buong pagmamahal saiyo'y inialay,
Mga panahong ika'y gustong makapiling,
Binubulong sa hangin, ito'y hinihiling.Ngunit biglang naglaho ang lahat,
Ating nadarama unti unting nagkakalamat,
Nawala ang nadarama, lumayo sa isa't isa,
Hindi na lumingon, ipinikit ang mga mata.Mali ba na umasa na ika'y magbabalik?
Mali ba na makadama pa ng pananabik?
Sana'y hindi na muli pang maghintay,
Sana'y muli mong hawakan ang aking mga kamay.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoezieAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...