Balik sa Umpisa

149 0 0
                                    



Akala ko ito na ang tamang panahon
Para makalimutan ang sakit ng kahapon,
Bakit parang naiiwan nanaman ako
Sa lahat ng binubo mong mga plano?

Noong nakaraang araw ang sabi mo
Na gusto mo kong bumalik at handa na ang iyong puso,
Bakit ngayon ganito ang pinapadama mo
Mawawala ka nanaman ba at unti unting maglalaho?

Akala ko tayo'y muling liligaya
Magsisimula muli sa piling ng isa't isa,
Hanggang ganito na lang yata ang papel ko
Dapat na kong gumising sa munting panaginip ko

Heto nanaman ako umaasa sa wala
Akala ko ipagpapatuloy na ang pag iibigang naantala,
Pero bakit unti unti ka nanamang lumalayo
At pinapadama na di mo ko kelangan sa buhay mo?

Gusto kong tanungin kung ano ba ako,
Ano ba talaga ang isang tulad ko sa buhay mo?
Mas gusto kong marinig ang masakit na katotohanan
Kesa nalulunod ang isip sa napakagandang kasinungalingan

Magsisimula nanaman ba muli sa umpisa
Nung nasaktan ako at iniwang mag isa?
Pero walang magawa kundi ang ngumiti sa harap mo
Kahit na ang aking puso ay muli mo nanamang pinapadugo.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon