Mawawala ka ba?

30 0 0
                                    

Ano ba talaga ako sa'yo?
Totoo bang ako ay mahal mo?
Gusto ko maramdaman, gustong makita,
Tunay na pag-ibig gustong matamasa.

Pilit nilalabanan ang tadhana,
Sinasabi ng iba pinagbabalewala,
Mga pangarap pilit na aabutin,
Mga problema aking aakuin.

Bawat araw unti unti kang lumalayo,
Mga kamay mo unti unting naglalaho,
Ang tinig mo hindi ko na marinig,
Mawawala na din ba ang iyong pag-ibig?

Pilit kang inaabot, pilit kang tinatanaw,
Pero bakit nag iiba na ang iyong mga galaw?
May bukas pa ba na naghihintay sa atin?
Pati ba ikaw ay mawawala na lang sa akin?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon