Pusong Namanhid

12 0 0
                                    

Pusong namanhid, walang maramdaman,
Puro dusa at sakit na lang ang pinagdaanan,
Gustong sumaya, wala na bang karapatan,
Kelan ba darating ang tamang nakalaan.

Pusong nag-aalangan, ayaw na magtiwala,
Natatakot na baka madami muling mawala,
Nagtatago sa sulok, tinataboy ang lahat,
Ang naisarang libro ay ayaw na muling mabuklat.

Pusong nasira, nadurog ng maliliit,
Bagong pag-ibig di magawang ipilit,
Unti unti pa din binubuo at hinahanap ang sarili,
Para sa susunod ay tama na ang mapili.

Pusong natutulog, nanigas na sa lamig,
Naiwan sa kawalan, makaramdam muli ang ibig,
Hinihintay ang muling pagtibok sa tamang panahon,
Naghihintay na mailigtas sa pait ng kahapon.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon