Ngiting Pilit

38 0 0
                                    

Nagsasawa na ako,
Sa paulit ulit na pagtatampo.
Paulit ulit gusto ng lumayo,
Paulit ulit gusto ng sumuko.

Napapagod na ako,
Magmahal ng totoo.
Lagi lang nasasaktan ang puso,
Lagi lang napaglalaruan ito,

Natatakot na ako,
Ayoko na ng ganito.
Gusto na lang magtago,
Sa isang sulok doon uupo.

Tama ba na tigilan na lang,
Sakit na nadama di na mabilang,
Sana matapos na ang mga pasakit,
Sana matapos na ang mga ngiting
pinipilit.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon