Halika dito sa aking tabi,
Sulitin natin ang ating gabi,
Hawakan mo ang kamay ko,
Ipadama sa akin ang pag-ibig mo.Bawat salitang iyong binibitawan,
Di maiwasang lahat ito'y pakinggan,
Iyong pagtitig sa aking mga mata,
Iba din ang kilig na aking nadarama.Sinabing hindi muna muling iibig,
Pero nadarama ng puso hindi na makabig,
Bumibilis ang pagtibok, di mapigilan,
Bakit ba unti unti na akong tinatablan.Unti unti ng nahuhulog sayo,
Tama na ba itong nadarama ko,
Siguro'y handa na muling umibig,
Siguro'y handa na sa bagong pag-ibig.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...