Isang Umaga

83 1 0
                                    


Paano ba mawala ang sakit,
Yung hindi ka makakaramdam ng pait?
Ngunit kahit anong gawin kong pilit
Luha pa din ay tumutulo, mata ay napapapikit.

Mga pangakong di malimot,
Puso ay di mapigiliang kumirot
Gustong takasan ang nararamdaman
Ano ba ang dapat gawin, hindi ko alam.

Ang masasayang alaala, laging naiisip
Ngunit kelangan na magising, itapon ang panaginip
Tama na ang pag asa na muli kang babalik,
Pipigilan ang sarili na saiyo ay laging manabik.

Basang basa ang mga unan ng aking mga luha,
Tuwing pipikit makikita ang iyong mukha
Sana magising na lang isang umaga,
Na di na kita hinahanap, wala na ang pag-ibig na nadarama.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon