Nandito sa isang sulok bote nanaman ang hawak
Nag-iisip, nag mumuni-muni, gusto kang mayakap
Mga alaala naiisip na parang pelikula
Biglang hihinto, mapapaisip, wala na palaAlam ko na hindi ako ang kailangan mo
Hindi maibibigay lahat ng kaligayahan mo
Hindi mapapantayan mga pangangailangan mo
Hindi makukuha ang buong pagmamahal moParang bata na naghahabol sayo,
Parang tanga na umaasa na mahalin mo
Kahit na alam ko na hindi talaga ako,
Ang hinahanap hanap at sigaw ng puso moNaghihintay lagi ng saglit na pagkakataon,
Na bigyan mo ng oras at konting panahon
Pero naalala ko ano nga ba ako saiyo?
Sabay naisip ko na hindi na nga pala tayo.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoezieAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...