Sa'king pagmumuni muni ako'y napag isip,
Napagtanto ang mga bagay na sa puso'y nagpapasikip,
Tama pa ba na ipagpatuloy ang nadarama?
O bitawan na lang at hayaang maaksaya?Kahit akin ka madami pa din katanungan,
Hanggang saan kaya ang ating patutunguhan,
Masaya pag magkasama parang walang problema,
Ngunit parang hindi tayo pag di kasama ang isa't isa.Pinaglaban ka, pinaglaban ang nadarama,
Baka sakaling may magbago sa iyong pinapakita,
Ngunit parang wala lang, walang pagbabago,
Hindi pa din mapalagay itong aking puso.Dapat di ba masaya na, dapat wala nang inaalala,
Dapat normal na, dapat puso'y di na pinapakaba,
Sana naman ipakita mo na di sayang ang nagawa,
At sa huli hindi pagsisihan na ika'y pinaglaban pa.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...