Bakit nga ba tayo laging umaasa,
Kahit alam natin na ito ay di tama,
Naghihintay, nagbabakasakali pa rin,
Kahit hindi na dapat, lagi pa rin dinidiin.Hindi pa ba sapat ang maghintay sa wala,
Nagmamahal pa din kahit walang napapala,
Kahit walang kapalit, ganun talaga kapait,
Umibig sa isang tao na ang dulot lang ay sakit.Bakit hindi maiwan, hindi mabitawan,
Naghihintay na mabago ang inyong kapalaran,
Nilulunod ang sarili sa magandang panaginip,
Nilulubog ang sarili sa lungkot na walang sasagip.Humahanap pa rin ng konting kaligayahan,
Kahit konting oras nga hindi ka mapagbigyan,
Sapat pa ba na dahilan na siya ay mahal mo?
Sigurado ka ba na nadarama niya sayo ay pareho?
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...