Sa pag-ibig madami akong natutunan,
May mga dapat bitawan at dapat ipaglaban,
Mga bago at natatanging mga karanasan,
Ligaya, sakit, mga nakakagulo ng nararamdaman.Hindi pare pareho, at hindi dapat maghambing,
Dahil magkakaiba ang mga nakakasalamuha natin,
Pwedeng umasa, pwede din maghanap,
Kapag nasasaktan pwede din mag panggap.Sarap sa pakiramdam pag ramdam mo siya,
Pag naibibigay ang buong pagmamahal niya,
Pero hindi laging masaya, minsan nasasawi,
Lalo na kung hindi na ikaw ang kanyang natatangi.Maraming aral, maraming mga kaganapan,
Kala mo pang habang buhay na, yun pala ika'y iiwanan,
Kaya mahalin muna ang sarili ng buong buo,
Para maging handa na kapag muling tumibok ang puso.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...