Ako yung tipong kaya mag isa,
Ako yung tipong hindi kailangan ang iba,
Kayang tumayo sa sariling mga paa,
Kayang lumaban sa buhay nang nag iisa.Ako yung tipong kayang alagaan ang sarili,
Kahit nahihirapan at masawi,
Ako yung tipong ginagawa ang gusto,
Sinusunod ang sinasabi ng puso.Ako yung tipong di nakikinig sa iba,
Sariling utak ang pinapagana,
Kahit ano pang sabihin nila,
Kung ano ang gusto ko, yun ang pinapakita.Pero minsan pumapasok sa isip ko,
Gusto ko din na pahalagahan ako,
May mag paparamdam na hindi ako nag iisa,
May makakasama at maranasang sumaya kasama siya.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoezjaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...