Hindi

11 0 0
                                    

Naglaho ka nanaman,
Ako'y iniwan mo nanaman,
Sa pagkakataon na ito wala na,
Hindi ka na makikita, tapos na.

Hindi naging sapat ang lahat,
Ako'y binitawan na parang kalat,
Lumisan ka at ako'y muling sinaktan,
Dito na nagtapos ang pagmamahalan.

Ayoko ng gustuhin na muli kang mahalin,
Unti unti ng ibabaon ang mga nasimulan,
Kakalimutan na ang mga nakaraan,
Itatapon na din ang mga nararamdaman.

Hindi mali na nakilala kita,
Hindi mali na minahal ka ng sobra,
Siguro nga hindi lang talaga para sa isa't isa,
Hindi lang siguro talaga tayo ang nakatadhana.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon