Maling Pag asa

26 0 0
                                    

Ngayon alam ko na, na wala na talaga,
Hindi ka para sakin dahil ang gusto mo ay siya,
Ang mga paghihirap, ang mga pagdurusa,
Lahat mababalewala kahit lahat na ay ipinusta.

Gustong mabago ang mga bagay,
Gustong makasama ka habang nabubuhay,
Gustong makapiling ka sa araw araw,
Gustong ang mga pangarap at muling matanaw.

Ngunit malabo na lahat ng bagay,
Hindi na maibabalik, lahat ay sumablay,
Puro sakit na lang ang nadarama,
Sana naman kahiy minsan ako ay lumigaya.

Hindi na alam kung ano ang gagawin
Puso ay umiiyak, ano pa ang dapat gawin?
Magpapatuloy pa ba magtiis sa mga parusa
O bigla na lang aalis at hindi na muling aasa?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon