Ang Pag-ibig

227 1 0
                                    

Sana isang araw makilala ko ang pag-ibig
Pasasayahin niya ako at bibigyan ng kilig
Ipapakita na hindi sila pare-pareho
Na meron pang mga natitira na totoo.

Sana isang araw madama ko ang pag-ibig
Mahawakan at maramdaman ang kanyang mga bisig
Hahawakan ang aking kamay ng sobrang higpit
Yayakapin ako at hahalikan habang kami ay nakapikit.

Sana isang araw marinig ko ang pag-ibig
Hindi ako magsasawang pakinggan ang kanyang mga tinig
Kahit paulit ulit pa marinig ang kanyang himig
Parang musika saking tenga at di magsasawang makinig.

Sana isang araw intindihin ako ng pag-ibig
Lahat ng sakit na naranasan kanyang itatabig
Pupulutin ang mga nabasag na damdamin
At hindi magsasawa na ako ay muling buuin.

Sana isang araw piliin ako ng pag-ibig
Walang magiging kahati sa kanyang mga titig
Ako ay magiging sapat para makasama niya
Hindi ipagpapalit sa nakaraan na nagpadusa sakanya.

Sana isang araw mahalin ako ng pag-ibig
Ipaparamdam sakin lahat ng walang kabig
Hindi hahayaang mag isa, pangakong magpakailanman,
Siya lang at ako, hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Sana isang araw di ko makalimutan ang pag-ibig
Kahit sakit ang idinulot, mga gabing malamig
Alam ko isang araw kakatok siyang muli,
Tatanggapin ng buo at sana ngayon siya na ay manatili.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon