Pag-intindi

25 0 0
                                    

Kinausap ka para malaman lahat,
Ayoko na manghula gusto ika'y maging tapat,
Kailangan mo pa ba ako sa buhay mo?
O kailangan na ba itigil ang laro na ginawa mo?

Tinanong kita kung masaya ka na ba,
Tinanong kita kung ako'y mahal mo pa,
Ika'y tahimik, walang sagot na narinig,
Kahit anong pilit di narinig ang iyong tinig.

Sabi mo sakin hindi kita maintindihan,
Sabi ko sana ako naman ay pakiramdaman,
Ang hirap sayo nakikinig ka sa sinasabi nila,
Paano naman ang mga nararamdaman ko sinta?

Alam ko na hindi tayo magkakaintidihan,
Wag na lang natin ipilit para hindi na masaktan,
Kung siya ang pipiliin mo dun ka na sakanya,
Dito naman ako magaling, laging nagpapaubaya.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon