Maglaho

27 0 0
                                    

Hindi nila nakikita kung ano ka,
Hindi nila alam ang iyong nadarama,
Hindi nila alam kung nasasaktan ka na,
Dahil wala naman silang pakialam di ba?

Madami nga silang nakapaligid sayo,
Madami din nasasabi sa likod mo,
Minsan napapaisip kung anong totoo,
Bakit ba ganyan ka nila kung itrato?

Kahit anong tama ang gawin mo,
Sa mata nila balewala lahat ito,
Sa sampung tama na ginawa mo,
Yung isang mali ang tumatatak sa kanilang ulo.

Minsan mahirap na magpanggap,
Masakit sa damdamin at di matanggap,
Laging mag-isa, walang kakamping mahanap,
Gusto na lamg maglaho ng tuluyan sa alapaap.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon