Gusto kong hawakan ang iyong kamay,
Gusto kong sabihin na mundo ko'y nagkakulay,
Gusto ko sabihin na masaya ako sa piling mo,
Gusto kong malaman mo na nadarama ko ay totoo.Gusto kitang makasama panoorin ang mga bituin,
Gustong iyong mukha ay aking haplusin,
Gusto ka pa yakapin ng mahigpit at halikan,
Gusto ko din ibulong sa'yo na "ikaw lang".Gusto kong makinig pa sa iyong mga kwento,
Gusto pa kitang makilala ng buong buo,
Gustong saiyo ay ni na mawalay,
Gusto kitang makasama habang buhay.Pero hanggang gusto na lang pala ako,
Kelangang magising na wala ka na sa piling ko,
Sana'y hindi tayo natapos, sana'y nagtagal pa,
Dahil hanggang sa huli gusto kong sabihin na mahal kita.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoezieAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...