Paano kung hindi kita nakilala,
Hindi nagtagpo ang ating tadhana?
Paano kung hinayaan kang mag-isa,
Siguro nandun ka pa rin sa piling niya?Hindi ka siguro maguguluhan,
At hindi din siguro ako magiging luhaan,
Hindi ka na siguro mag iisip,
At ang puso ko ay hindi na sisikip.Paano kung natiis ko ang lungkot mo?
Siguro magkasama na muli kayo,
Paano kung hindi ko pinunasan ang luha mo?
Siguro ngayon siya pa rin ang kayakap mo.Paano kung bigla na lang akong mawala,
Hahanapin mo ba ako o mababalewala?
Paano kung umalis na ko sa buhay mo?
Siguro tuloy pa din naman ang ikot ng mundo mo.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...