Pagtanggap Sa'yo

21 0 0
                                    

Una pa lang tinanggap na kita ng buo,
Kahit alam ko na ang isip mo ay magulo,
Basta ikaw ay sobrang minahal ko,
Pinaikot ko pa ang mundo ko sa'yo.

Tanggap ko ang iyong pagmamahal,
Kahit walang kasiguraduhan na ito ay magtatagal,
Tanggap ko lahat ng iyong mga gusto,
Kahit minsan nasasaktan mo na ang puso ko.

Tanggap ko ang mga masasakit na salita,
Nilunok ko lahat, ako'y wala nang nagawa,
Tanggap ko na di na maibabalik ang nakaraan,
Nadurong ang mga pangarap na para sa atin sana ay nakalaan.

Tanggap ko ang iyong unti-unting paglisan,
Pati ang pag-ibig natin na bigla mong winakasan,
Tanggap ko na wala ka na sa piling ko,
Kahit nagdurusa ako, lahat ito ay tiniis ko.

Tanggap ko na wala na talagang ikaw at ako,
Tanggap ko na kelangan ng umusad ng buhay ko,
Tinanggap ka at lahat ng mga pinaranas mo,
Pero hindi ko naramdaman na ako'y tinanggap mo ng buo.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon