Dito na ba Papara?

42 0 0
                                    

Sa isang iglap unti unting mawawala ang lahat,
Pag-ibig na inialay, sayo'y hindi naging sapat,
Sakit na nadarama di magawang masukat,
Mga pangako unti unting nagkakalamat.

Pilitin ka man na sakin lang tumingin,
Pilitin ka man na ako lang ang mahalin,
Nadarama sakanya sanay sakin isalin,
Iyong pagmamahal sana sakin na lang ibalin.

Hindi magawang bumitaw, hinga ng malalim,
Ang ikaw at ako'y nilalamon na ng dilim,
Gustong sa akin ka, gustong maging sakim,
Unti unting nalulunod, sugat ay lumalalim.

Ayaw isuko ang nadarama, gustong ilaban pa,
Ating nakaraan gusto sanang maibalik pa,
Ngunit ako na lang pala mag isa ang natitira,
Dito na ba matatapos? Dito na ba papara?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon