Oras at segundo ay tumatakbo,
Panahon ay lumilipas, ito ang totoo,
Mga pagkakaton ay nagbabago,
Pati ba pag-ibig mo ay maglalaho?Pilit inaabot, pilit hinahawakan,
Pero bumibitiw ka, masakit na katotohanan,
Gustong dito ka lang sa aking tabi,
Magdurusa at luluha nanaman ba ako gabi-gabi?Unti unti na ba maglalaho lahat?
Ang pag-ibig ba talaga ay di na sapat?
Ako ba para sayo ay di karapat dapat?
Hindi mo ba makita na nadarama ay tapat?Ang realidad ay nakakasakit, nakakapanlambot,
Pangarap na makasama ka di na ba maaabot?
Dahil habang tumtakbo ako papalapit sayo,
Tumatakbo ka din ngunit sakin naman ay papalayo.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesiaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...