Handa na ako na mawala ka,
Dahil alam ko na ako'y nakakagulo na,
Nakakadagdag pa sa iniisip mo,
Hindi nakakatulong sa problema mo.Handa na ako na palayain ka,
Dahil alam ko na dun ka sasaya,
Muli ka nang makakangiti,
Hindi mo na kailangan pa mamili.Handa na akong lumayo sayo,
Dahil hindi mo na ko kailangan sa tabi mo,
Dumaan lang sa buhay mo para turuan ka,
Na mahalin ang sarili mo bago ang iba.Handa na akong masaktan muli,
Dahil una pa lang pag-iibigan agad ay sawi,
Konting ligaya, maraming luha ang nawala,
Nararamdaman unti unti lang nababalewala.Handa na ako na muling mag isa,
Magsimula ng buhay na wala ka,
Siguro hindi talaga tayo itinakda,
At pinipilit lang na tayo ang nakatadhana.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...