Kahati

23 0 0
                                    

Ang hirap magpanggap na masaya ka,
Yung ngingiti ka kahit ang sakit sakit na,
Niloloko lang ang sarili na maayos ka,
Pero sa totoo puso ay umiiyak na.

Sinasabi mo sa akin na mahal mo ako,
Sinasabihan mo din pala siya na siya ay mahal mo,
Kelangan ko ba intindihin? Kelangan ko ba tanggapin?
Bakit ganun? Hindi ba pwedeng ikaw lang ay akin?

Bakit masyado mong sinasaktan ang puso ko?
Unti unti mong pinapatay, unti unti mong dinudurog,
Alam mong mahal kita pero bakit tayo ganito?
Bakit ba kailangang may kahati ako sayo?

Hindi ba pwedeng ikaw lang at ako?
Ako'y nalulungkot, luha'y ayaw huminto
Kailan ko mararanasan ang buong pagmamahal mo?
Dahil sa totoo lang sobra ng nagdurusa ang puso ko.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon