Itatapon

16 0 0
                                    

Hindi naman magiging una,
Kahit tumulo pa ang mga luha,
Sa kahit ano pang aspeto,
Kelangan na lang tanggapin ito.

Umiintindi na lang lagi,
Napag iiwanan na ang sarili,
Maabot lang ang kanilang gusto,
Kahit nalulungkot at mag isa ang puso.

Sanay naman na sa ganito lagi,
Huli naman sa listahan parati,
Magpaparaya, magpapaubaya,
Ngingiti para hindi mapahiya.

Minsan gusto na lang mapag isa,
Para di nalulungkot, di aasa sa iba,
Tatakbo sa malayo, hindi lilingon,
Mga nadarama'y isa isang itatapon.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon