Sadyang mapaglaro ang tadhana,
Nagpaparanas ng hindi inaakala,
Unti unting ibinabalik ang nakaraan,
Sa pinaka hindi inaasahang paraan.Paglipas ng mahabang panahon,
Muling binigyan ng pagkakataon,
Tulad ng dati, walang nagbago,
Nararamdaman ay di pa rin maitago.Naaalala pa rin ang mga nakalipas,
Mga bagong pakiramdam na sa atin ay pinaranas,
Pagtibok ng puso, pagkabog ng dibdib,
Walang alintana nakaramdam ng pag-ibig.Bigla man nawala at tayo'y pinaglayo,
Kahit pa sa piling ng isa't isa ay naglaho,
Hindi maitatanggi na gusto kang makita muli,
Hindi maitatanggi na puso'y tumibok muli.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...