Magiging Malaya

21 1 0
                                    

Wala ka na,
Hindi sa hindi ko matanggap na wala ka na,
Alam ko na sa pagkakataon na ito ako'y handa,
Alam kong magtatapos, pahinga na.

Oo masakit,
Dahil pag-ibig ay masyadong pinilit,
Kahit pagmamahal mo sakin ay nagipit,
Tinanggap lahat, mga mata ay ipinikit.

Malilimot ko din lahat,
Ang mga alaala na iyong ikinalat,
Ang mga pinadama mo na sa akin naging sapat,
Ang buong pagmamahal mo na hindi naging tapat.

Muli akong babangon,
Darating din ang aking tamang panahon,
Itatago lahat, pag-ibig ay ibabaon,
Magiging malaya, nadarama pa saiyo ay itatapon.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon