Dumating na ang oras ng ating paghihiwalay,
Luha ay tumutulo, magbabago na ang buhay
Walang naririnig sa mga huling salita mo,
Ang nasa isip ko lang marami ng magbabago.Habang naglalakad ka papalayo sakin,
Nakatingin lang sa iyong likod gusto kang yakapin
Gusto kang hawakan, gustong habulin,
Ngunit tapos na, puso'y wag ng pilitin.Kalungkutan ang dulot ng iyong bawat hakbang,
Sakit pa din sa damdamin ang lumalamang
Naririnig mga bawat yapak mo papalayo,
Kelangan na tanggapin na wala na talagang tayo.Unti unti ka ng nawawala, naglalaho sa paningin,
Damang dama ko ang ihip ng malamig sa hangin
Tumalikod, naglakad, luha ay pinunasan,
Paalam mahal ko, kelangan na natin lumisan.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...