Sabi mo sa akin natatakot ka mag-isa,
Ibig ba sabihin natatakot ka mawala siya?
Sabi mo sa akin ayaw mo ng walang kasama,
Kaya pala hanggang ngayon nandyan ka pa din sakanya.Paano tayo nito magsisimula,
Kung sakanya ayaw mo kumawala?
Paano tayo nito maaayos,
Kung ang nasa isip mo ikaw ay maghihigkahos?Kelan mo ako bibigyan ng pagkakataon,
Na iparamdam na buhay mo ay di patapon?
Kelan mo malalaman na nasasaktan na ako,
Pag ako ba ay bumitaw na at biglang sumuko?Hindi naman ako madamot at tanga,
Para maghigpit sayo at ikulong ka,
Hindi naman ako mahirap mahalin,
Basta iparamdam mo lang na ikaw ay sa akin.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PuisiAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...