Ihip ng Hangin

14 0 0
                                    

Napakalayo, hindi makamtan,
Bakit lumayo, bakit sinaktan?
Bakit ang damdamin pinagmalupitan?
Bakit bigla mo akong iniwan?

Parang bituin na mahirap abutin,
Kahit anong gawin di pwedeng maging akin,
Hanggang tingin, hanggang pag hanga,
Hanggang tanaw, hanggang pag asa.

Gustong yakapin, gustong hawakan,
Kahit saglit gusto kang titigan,
Di na mahabol, umiiwas, lumalayo,
Di na alam kung paano pa susuyo.

Di na maibalik ang nakaraan,
Akala ika'y sa akin nakalaan,
Sana'y di na lang natapos ang panaginip,
Sana ang hangin ay magbago pa ang ihip.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon