Ibigin Ka

69 1 0
                                    


Bawat pangyayari may rason,
Bawat problema may solusyon,
Bawat lungkot may saya,
At kung nandito ako, alam kong nandyan ka.

Karamay sa lahat ng problema,
Kasama sa bawat ligaya,
Ang taong bahagi ng buhay ko,
At ang tanging tao na mahal ko.

Nagpapasalamat dahil nandyan ka,
Nagpapasalamat ako't kasama kita,
Wala nang hihilingin pa,
Ikaw sa mundo ko'y sapat na.

Wala na akong masasabi pa,
Kung hindi mahal na mahal kita,
Wala man akong maipapangako sinta,
Kung di ang ibigay lahat at ibigin ka.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon