Sana isang araw maging mahalaga ako,
Makita mo kung ano ba ako sa buhay mo,
Hindi isang palamuti na nagbibigay lang ng ngiti,
Isang araw nagbabaka sakali, baka sakali.Gusto ko ng mga maiinit na yakap,
Na magdadala sa akin doon sa alapaap,
Matatamis na halik na laging mananatili,
Dito sa aking mga labi, baka sakali.Hindi mawawala, nandito lang palagi,
Sa aking puso may malaki kang bahagi,
Ano pa man ang dumating, kahit anong mangyari,
Hindi maiiwan, hindi magbabaka sakali.Pag-ibig na totoo, hindi mawawari,
Hindi ipagpapalit kahit kanino at hindi mabibili,
Tanging ako lang, hindi na muling pipili,
Hindi na mararamdaman na ako'y isang baka sakali.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...