Limutin Ka

22 0 0
                                    

Ano bang dapat gawin para limutin ka?
Puso'y gusto ng umusad, ayaw ng isipin ka,
Sana layuan na lang ako ng agad agad,
Dahil ito na lang ang tanging hinahangad.

Sana tigilan na ko ng aking isip,
Sana mawala ka na sa'king mga panaginip,
Gusto ng iwasan ang mga alaala,
Sana ganun kadali, puro na lang akala.

Sana tumigil na lang ang aking puso,
Sana tumigil na ang pagtibok nito para sa'yo,
Para naman gumaan na ang pakiramdam,
Sana matanggap na ng buo ang iyong paalam.

Ano bang dapat gawin para limutin ka?
Hindi na maiwan sa nakaraan at maging malaya,
Tanggalin ka sa isip, mawala na ng tuluyan,
Alisin ka sa puso at mabuhay na sa kasalukuyan.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon