Ako'y nakakulong pa din sa mga alaala mo,
Mga pag-asa, mga pangakong binitawan mo,
Hindi magising sa mga panaginip na dinulot mo,
Mga mata'y ayaw idilat, gusto pa din sa piling mo.Nakakulong pa din ang puso ko sa'yo,
Hindi makalimutan ang mga ngiti at haplos mo,
Nananabik pa din sa iyong mga halik,
Bakit ba umaasa na ikaw pa rin ay babalik?Hindi magawang iwasan ang mga alaala,
Hindi makausad sa pag-ibig na iying pinadama,
Hindi makaalis sa mundong binuo mo,
Naiwan dito, mag-isa, naghihintay pa din sa'yo.Minsa'y gusto ko na lang kumawala,
Limutin na lahat, takasan ang nadarama,
Ngunit paano makakaalis sa pagkakakulong ko sa puso mo,
Kung iyo nang isinantabi at tinapon na ang susi nito.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...