Mga Katanungan

76 0 0
                                    


Paano kung nilaban natin ang nakaraan,
At ginawa lahat ang tamang mga paraan?
Siguro hindi tayo magkakalayo ngayon
Ngunit ang pagkakataon satin ay ayaw umayon.

Paano kung hindi sinuko ang pagmamahalan?
Ako sana ang pinili, ako ang pinaglaban
Ngunit minsan kelangan na lang tanggapin,
Na hindi talaga ako ang kayang piliin.

Paano kung hindi ka sumama sakanya,
At naging totoo ka sa iyong nadarama?
Yun nga lang hindi ko na alam ang totoo,
Kung ako nga ba talaga ay minahal mo.

Paano kung sabihin mong mahal mo ko?
Ganun pa din kaya ang madarama ko?
Pagkatapos ng mga dusa, luha at pasakit
Babalik pa ba ako sa taong minsa'y nanakit?

Paano kung muli kitang tanggapin?
Maipapangako mo ba na ako lang ang mamahalin?
Hindi na ba muling babasagin ang pusong durog na?
Hindi na ba muling papaikutin ang aking nadarama?

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon