Unti unti lumiliit, nawawalan ng kwenta,
Tatakpan ang tenga di makikinig sa sinasabi nila,
Ipipikit ang mata, ayaw nang makakita,
Buhay bakit di daw mabigyan ng halaga?Itatago ang sarili sa isang madilim na sulok,
Mag iisip, matutulala, dun magmumukmok,
Magmumuni muni, bakit ba naging ganito?
Kelan matatahimik? Kelan ito mahihinto?Gustong mapag-isa ng walang nakikialam,
Mga tao sa paligid tutal walang pakialam,
Unti unting maglalaho, unti unting mawawala,
Itong nararamdaman, gusto ng makawala.Maglalakad sa kawalan na walang hanggan,
Mga naririnig ayaw na lang pakinggan,
Kelan ba matatapos sino ba ang sasagip?
Unti unti ng nilalamon ng masamang panaginip.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoezieAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...