Balang araw makakalimutan din lahat,
Lahat ng nangyari na hindi karapat dapat,
Balang araw hindi na ikaw ang hanap,
Iba na ang gusto, iba na ang pangarap.Balang araw ang sakit ay mawawala,
Malilimot na din kung paano nagmakaawa,
Balang araw iba na ang magpapasaya,
Muli nang mapapangti, muling tatawa.Balang araw kakayanin ko na,
Makakabalik na sa mga lugar na nakasama ka,
Balang araw di na muling matatakot,
Mawawalan na ng bisa ang mahikang iyong dinulot.Balang araw muling magmamahal,
Bubuksan ang puso na isinara ng matagal,
Balang araw siya na ang gustong makasama,
Hindi na ikaw ang laman, at mga tula ay para na sakanya.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...