Hindi Karapat dapat

15 0 0
                                    

Di ba ginawa ko naman lahat?
Bakit para sakanya hindi ako sapat?
Bakit hindi nya magawang maging tapat?
Sakanya ba hindi ako ang nararapat?

Di ba binigay ko naman ang kaya ko?
Bakit ba binalewala niya pa din ako?
Lahat naman ng kaya ko inalay ko,
Hindi ba niya makita ang sakripisyo ko?

Di ba ikaw lang ang aking mahal?
Nagtiis din ako ng ganito katagal,
Inintindi lahat ng iyong pagkukulang,
Nagpakatanga din sa iyong mga kasinungalingan.

Hanggang sa dulo ako ay umaasa,
Na baka sakali makita mo ang aking halaga,
Pero baka ito na nga, baka huli na ang lahat,
Baka hindi talaga tayong dalawa ang karapat dapat.

Hugot ng MakataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon