Unti unti dahan dahan ika'y nawawala,
Unti unti dahan dahan di na ikaw ang dasal sa lumikha,
Unti unti dahan dahan makakalimutan ka na,
Unti unti dahan dahan di na mananabik sayo sinta.Hindi ka na hahanapin, hindi ka na tatawagin,
Hindi na isisigaw ang pangalan mo, hindi na ikaw ang panalangin,
Hindi na ikaw ang naiisip, hindi na ikaw ang mahal,
Hindi na pareho noon ang nadarama, iba na ang hiling sa may kapal.Hayaan na lang ang isa't isa na lumigaya,
Hayaan na lang ang bawat isa na lumaya,
Hayaan mo na makalimutan na kita,
Hahayaan na din kita na sumaya kasama siya.Wala naman ng patutunguhan lahat ng bagay,
Madaming ng nagbago, wala ng saya na taglay,
Hindi ka para sa akin at hindi ako para sayo,
Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PuisiAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...