Bakit ba sobra kitang mahal,
Kahit alam ko na tayo ay di magtatagal?
Kahit puro paasa at sakit ang nadarama,
Bakit ikaw pa din ang nilalaman ng puso sinta?Gusto ng pigilan ang sarili, tama na,
Pero sabi ng puso ko "teka, mahal mo pa"
Sabi ng isip ko "pero sumosobra siya",
Pero di pa din mapigilan ang sarili na mahalin ka.Masyado na ba akong tanga?
Umaasa pa rin na tayo talaga,
Gusto ng makadama ng ligaya,
Bakit ba napakahirap na mahalin ka?Hindi pa ba sapat lahat ng mga luha,
Kailangan ba ang pag-asa ay mawala?
Dapat na ba umiwas at limutin ka?
Dahil para naman saiyo ako ay balewala.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...