Madaming araw na ang lumipas,
Nadarama ay unti unti nang kumukupas,
Tinutulungan ang sarili na bumangon,
Upang iwanan ang mga sakit ng kahapon.Makakaya ko din na di ka na maisip,
Unti unti ka na din maglalaho sa mga panaginip,
Makakaya ko din na di ka na hanapin,
Nadarama ay mababalewala, di na pipilitin.Hindi ko na hahanapin ang iyong haplos at halik,
Sa iyong mga titig hindi na muling masasabik,
Hindi ko na hahanapin ang matatamis na salita,
Hindi na mahuhulog, hindi na magpapakatanga.Mawawala na ang mga alaala,
Ang mga saya at pasakit na aking nadama,
Mawawala ka na ng tuluyan sa aking sistema,
Matatanggap din ang dahilan kung bakit wala ka na.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoesiaAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...