Ang tulang ito ay para sa'yo,
Wag ka ng lumingon ikaw ang tinutukoy ko,
Ibang galak ang pinaparanas mo sa aking puso,
Masyado mong pinapatibok, pinapaligaya mo ito.Laging nasasabik sa iyong mga yakap,
Pag ako'y iyong hawak para akong nasa alapaap,
Mga nakaw na halik, mga simpleng titig,
Talagang nakuha mo na lahat ng aking hilig.Tumatatak sa aking isip ang bawat kilig,
At kung gaano kainit ang pinapadama mong pag-ibig,
Hindi inakala na mararanasan ang ganito,
Lumulundag sa tuwa, sa saya itong aking puso.Salamat sa pagdating mo sa buhay ko,
Sobra sobra ka sa kung ano man ang hiniling ko,
Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,
Gustong ikaw na ang makasama sa magpakailanman.
BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...