Siya yung tipong masarap sa mata,
Siya yung tipong pakikiligin ka,
Siya yung tipong may matamis na ngiti,
Siya yung tipong problema mo'y mapapawi.Siya yung tipong aalagaan ka,
Siya yung tipong ipaparamdam na mahalaga ka,
Siya yung tipong masarap yakapin,
Siya yung tipong matatawag ko na akin.Siya yung tipong nagbigay kulay sa mundo,
Siya yung tipong nagtanggal ng lungkot ko,
Siya yung tipong nagpakalimot sa nakaraan,
Siya yung tipong ang lahat ay hinigitan.Siya yung tipong mahirap hanapin,
Siya yung taong nakatakda para sa akin,
Siya yung tipong mamahalin ka ng sobra,
Siya din yung tipong iiwanan ka ng basta basta.

BINABASA MO ANG
Hugot ng Makata
PoetryAking munting mga komposisyon para sa mga umiibig, umibig, nasasaktan, nasaktan, iniwan, umaasa, naghihintay, naguguluhan at muling ngumiti sa pag-ibig. Enjoy reading! Follow and Vote! ** Like my page on Facebook: Hugot ng Makata by ❄️Nyebe ** Foll...